^

Bansa

Contingency plan sa El Niño, gawin - Sen. Win

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Contingency plan sa El Niño, gawin - Sen. Win
Officials inspect a dried up field in Bulalacao, Oriental Mindoro on February 27, 2024, following the local government's declaration of a state of calamity due to the severe damage of El Niño on the town's farmlands.
Photos by Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na gumawa ng mga contingency plan ngayong painit nang painit ang panahon para matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa gitna ng El Niño phenomenon.

Ayon sa PAGASA, inaasahang mararanasan ng bansa ang rurok ng El Niño ngayong summer season.

Sinabi ni Gatcha­lian, vice-chairperson ng ­Senate Committee on Energy, na noong 2022 humigit-kumulang 9% ng power capacity ng bansa ay mula sa hydroelectric power plants.

“Ang epekto ng El Niño ay magiging isang mala­king problema hindi lamang sa usapin ng seguridad sa pagkain, kundi pati na rin sa seguridad sa enerhiya. Malaking bahagi ng ating hydro areas ang makakaranas ng tagtuyot, at mababawasan ang kanilang output na magkakaroon ng epekto sa ilang bahagi ng bansa, kaya kailangan ng contingency plan lalo na’t parating na ang mas mainit pang mga buwan,” ani Gatchalian.

Upang mapawi ang epekto ng mas tuyong kondisyon ng panahon, kailangang tiyakin ng DOE na ang lahat ng kinakailangang pagkukumpuni at preventive maintenance ay maisagawa na upang maiwasan ang brownout.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang mga planta ng kuryente ay madaling bumigay pagdating ng tag-init dahil sa mas mataas na demand. 

vuukle comment

DOE

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with