^

Bansa

2 Pinoy patay sa missile attack sa Red Sea

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang Pinoy seafarers ang patay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan sa missile attack ng Houthi rebels sa isang cargo vessel na dumaraan sa Red Sea at Gulf of Aden, ­kamakalawa.

“With great sadness, the DMW confirms the deaths of two Filipino seafarers in the most recent attack by Houthi rebels on ships plying the Red Sea and the Gulf of Aden,” anunsiyo ng Department of Migrant Workers kahapon na hindi na pinangalanan pa ang nasawing mga Pinoy.

Dagdag pa ng DMW, “We are also informed that two other Filipino crewmen were severely injured in the attack on their ship. We pray for their ­immediate recovery.”

Ayon sa ulat, ang pag-atake sa commercial ship na True Confidence noong Miyerkules ay inako ng Houthis na ikinasawi ng tatlo sa mga tripulante nito at pagkasugat ng iba pa.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DMW na ­alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaagad nilang pagkakalooban ng ‘fullest support at assistance’ ang pamilya ng mga nasawi at nasugatang seafarers.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa manning agency ng barko at sa shipowner upang alamin ang mga kondisyon ng iba pang tripulante nito, partikular na ang mga Pinoy, na ligtas na rin umanong nadala sa daungan.

Ipinamamadali na rin nila ang pagpapauwi sa bansa ng mga ito.

 

vuukle comment

RED SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with