^

Bansa

OFWs hihimuking mag-invest sa stocks

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakikipagtulungan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Philippines Stock Exchange (PSE) at Securities and Exchange Commission (SEC) para magbigay ng financial lite­racy lessons at investment seminars upang matiyak na ang mga OFW ay maaaring mamuhunan ng kanilang pera sa mga lehitimo at kumikitang mga gawain.

Sinabi ni DMW Officer-in-Charge Hans Cacdac, na umaasa ang PSE na magkaroon ng mas maraming OFW na mamumuhunan sa local stocks sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila, dahil sa kasalukuyan ay nasa 5.6% lang ng OFWs ang mga stock investor ng Pilipinas.

Sa seminar, matuturuan ang OFWs na makaiwas sa investment scam, debt traps at cre­dict card by mail schemes at mabibigyan ng kaalaman at direk­s­yon kung saan at ano ang matinong investment.

Samantala, lumagda ang DMW ng kasunduan sa National Commission on Muslim Filipinos na mabigyan ng seminar ang mga OFW na ipadadala sa Arab country.

“Tutulungan natin in terms of ‘yung pagkakaroon ng sapat na orientation program, sapat na proteksyon at monitoring on the ground,” ani Cacdac.

“At ‘yung mga dadatnan nilang kultura, batas, karapatan at responsibilidad para magkaroon sila ng mas maayos na relasyon sa kanilang employer,” dagdag pa niya.

vuukle comment

OFW

PSE

SEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with