^

Bansa

BFAR: Pinoy na nangingisda sa Scarborough Shoal dumami na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
BFAR: Pinoy na nangingisda sa Scarborough Shoal dumami na
This photo taken on February 15, 2024, shows an aerial view of over Scarborough Shoal in the disputed South China Sea.
AFP / Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Mas dumami ang mga mangingisda sa Bajo Bajo de Masinloc o ­Scarborough Shoal matapos na mabigyan ng fuel assistance.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera, mula sa 21 barkong ­nangingisda, nasa 44 barko na ang nabigyan ng 44,900 litro ng diesel, 217 litro ng inuming tubig at 20 gallon ng fresh water sa isinagawang rotational deployment of BFAR and Philippine Coast Guard (PCG) sa shoal.

Sinabi ni Briguera na ang pagdami ng mga ­mangingisda ay ­indikasyon na marami pang isda ang maaaring mahuli sa Bajo de Masinloc.

Sa katunayan aniya, nakabingwit ang ilang mangingisda ng nasa 40 toneladang isda.

Nitong Huwebes, ­muling tinangka ng pitong China Coast Guard na harangin ang BRP Datu Sanday na magdadala ng supply sa Scarborough Shoal. Bigo ang CCG at matagumpay na naihatid ang mga tulong sa mga mangingisda.

Nabatid kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na binuntunan ng CCG ang BRP Datu Sanday upang pigilan na makarating sa Bajo de Masinloc at hindi makapaghatid ng anumang mensahe kabilang na ang automatic identification system (AIS).

Posibleng ginawa ng CCG ang jamming upang muling harasin ang barko ng Pilipinas.

vuukle comment

BFAR

PCG

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with