^

Bansa

Patay sa Davao de Oro landslide, 37 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Patay sa Davao de Oro landslide, 37 na
Rescuers are still struggling to pull out people inside vehicles covered by mud and rocks that cascaded from a hill in Barangay Masara in Maco, Davao de Oro on Feb. 6, 2024.
Philstar.com / John Unson

‘No build’ zone ipatutupad…

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 37 katao ang bilang ng nasawi sa landslide sa Brgy. Masara, Davao de Oro.

Nabatid kay Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga, bukod sa mga nasawi ay 63 pa ang nawawala hanggang kahapon.

Nasa 32 katao naman ang nasagip habang mahigit sa 1,000 pamilya ang nanatili pa sa mga evacuation centers. Aabot naman sa 55 kabahayan ang nalibing sa pagguho ng lupa.

Ang Brgy. Masara na may kabuuang populasyon na 1,000 katao ay isa sa mga komunidad kung saan nagmimina ang Apex ­Mining Co.

Sinabi ni Gonzaga na noong 2008 pa idineklara ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na hazard zone ang Brgy. Masara pero ma­rami pa ring mga pamilyang nanirahan dito kaya takdang ipatupad ang “no build zone” sa nasabing lugar.

Samantala, sinabi ni Phl Army spokesman Col. Louie Dema-ala na patuloy ang kanilang isinasagawang search, rescue at retrieval operations sa Brgy. Masara sa pag-asang may maililigtas pa ng buhay sa mga biktima.

Kabilang sa kanilang idineploy sa lugar ay dalawang Light Urban Search and Rescue (USAR) team mula sa 525th Engineer Combat Battalion (525ECBn), 51st Engineer Brigade.

vuukle comment

DAVAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with