‘Bagong Pilipinas’ maglalapit sa pribadong sektor sa gobyerno - FL Liza
MANILA, Philippines — Layon ng “Bagong Pilipinas” campaign na ilapit ang pribadong sektor sa pamahalaan bilang bahagi ng isang “master plan for genuine development” para sa lahat ng Pilipino, ayon kay First Lady Liza Araneta Marcos.
Sa kanyang sariling pagsisikap, sinabi ng First Lady na, “I will try to follow my husband’s vision of bringing the private sector closer to government, so we can all work together for our Bagong Pilipinas.”
Sa “LAB For All” program o “Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat” sa San Fernando City, La Union noong Lunes, binigyang-diin ng First Lady ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang makamit ang agenda ng “Bagong Pilipinas.”
“Sa dami-dami po nating problema, we should realize that government can’t do it alone. It has to work hand in hand with the private sector,” sabi ng First Lady, at binigyang-diin na ang “Bagong Pilipinas ay hindi isang political game plan para sa kakaunting may pribilehiyo.”
“When you hear the words ‘Bagong Pilipinas’, what this really means is that both the public and the private sector will be joining forces to help our countrymen. Hindi na po uso ang paninira, hindi na po uso ang pagbabatikos at mga salitang napakasakit. Hindi ganoon ang Pilipino. Rich or poor, may class naman tayo nang kaunti,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ito ng First Lady, kasabay ng pagkilala sa tagumpay ng “LAB For All” program na resulta ng pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.
- Latest