^

Bansa

38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa - OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa - OCTA
Last minute Christmas shoppers experience the holiday rush as they flock to Divisoria in Manila on December 23, 2023.
Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Naniniwala ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.

Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023.

Bumaba naman sa 8% noong December 2023 ang nagsabing hindi gaganda ang ekonomiya mula sa 14% noong October 2023.

Sa naturang survey, may 51% ang nagsabi na mananatiling pareho ang lagay ng ekonomiya at tatlong porsyento ang nagsabi na hindi alam.

Sa socioeconomic classes, 51% sa Class ABC ang nagsabi na gaganda ang ekonomiya.

Nasa 12% sa Class E ang nagsabi na hindi ito gaganda.

Nasa 49% naman ang nagsabi na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na anim na buwan habang 45% ang nagsabi na mananatili sa kasalukuyan ang lagay ng kanilang buhay.

Nasa apat na porsyento ang nagsabi na lalong lalala ang lagay ng kanilang buhay.

vuukle comment

OCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with