^

Bansa

Pamilyang Pinoy na walang makain, tumaas sa 3.7 milyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pamilyang Pinoy na walang makain, tumaas sa 3.7 milyon
Base sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research, nasa 14 porsyento o 3.7 milyong pamilya ang nakaranas ng pagkagutom sa huling quarter ng taong 2023. Isinagawa ang survey noong Disyembre 10-14, 2023.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga Filipino na nakararanas ng self-rated involuntary hunger o mga taong walang makain.

Base sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research, nasa 14 porsyento o 3.7 milyong pamilya ang nakaranas ng pagkagutom sa huling quarter ng taong 2023. Isinagawa ang survey noong Disyembre 10-14, 2023z

Nabatid na ang naitalang 14 porsyento na ­involuntary hunger noong ika-4 na quarter ay mas mataas kumpara sa 10 porsyento o 2.6 milyong pamilya noong Setyembre 2023.

Ang 4% taas o 1.1 milyong pamilya ay naitala noong ikalawa at ikatlong quarters.

Ang Visayas ang nakapagtala ng mataas na self-rated hunger na may 19% at sinundan ng Mindanao na may 18%.

Nakapagtala naman ang Balance Luzon at National Capital Region na may tig-11%.

Nabatid na ang 18% self-rated hunger sa Mindanao noong Disyembre 2023 ay mas mataas sa 9% noong Oktubre 2023.

vuukle comment

OCTA

TNM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with