^

Bansa

Solong bidder sa automated elections, inakusahan ng palpak na halalan sa Congo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng election watchdog na Democracy Watch ang akusasyon ng maraming kapalpakan umano ng South Korean election firm na Miru Systems makaraang ihayag ang ulat ng international election observer na Carter Center na nagkaroon ng 22% problemang teknikal sa mga presinto sa isang halalan sa bansang Congo.

Inihayag ito ng Democracy Watch makaraang maglabas ng sariling pahayag ang Miru Systems na itinatanggi na nagkaroon ng kapalpakan sa hinawakan nilang mga halalan sa Congo at Iraq.

Sa ulat umano ng Car­ter Center, nasa 22% pol­ling stations ang nagkaroon ng teknikal na problema at mahabang oras na hindi nagamit ang mga makina ng Miru na nagresulta sa pagsasara ng ilang mga presinto. Nagresulta ito sa ekstensyon ng halalan sa Congo ng isa pang araw.

Iginiit ng Democracy Watch na dapat ang mga “facts” at ebidensya ang maging mga basehan sa proseso ng pagpili ng magiging kontratista sa multi-bilyong “automated election systems” ng Commission on Elections para sa dara­ting na 2025 National and Local Elections. Ang Miru Systems ang nag-iisang bidder na nakapaghain ng bid sa ikalawang bidding process ng COMELEC.

Iprinisinta rin ng Democracy Watch ang pahayag ng sariling election watchdog ng Congo, ang Election Observation Mission of the National Episcopal Conference of Congo (CENCO) at ang Church of Christ in Congo (ECC), na parehong nagsabi na base sa ulat ng 60,000 volunteers, nasa 45.1% ng mga presinto ang nakaranas ng problema sa mga electronic voting machines.

Para naman sa halalan sa Iraq, kailangan pang kumpirmahin ang pahayag ng Miru na nagdeklara umano ang United Nations Assistance Mission for Iraq (UNAMI) na “fair and successful” ang nakaraang halalan sa kanila.

vuukle comment

DEMOCRACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with