^

Bansa

73% ng Pinoy, umaasang ‘happy’ ang Pasko 2023

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
73% ng Pinoy, umaasang �happy� ang Pasko 2023
Last minute Christmas shoppers experience the holiday rush as they flock to Divisoria in Manila on December 23, 2023.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nasa 73% ng mga Pinoy ang umaasang magkakaroon sila ng masayang Pasko ngayong 2023.

Ito ay batay na rin sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) na ang resulta ay inilabas nitong Sabado.

Ayon sa SWS, ang naturang datos ay walang pagbabago sa resulta ng survey na isinagawa noong taong 2022 ngunit mas mababa ito ng anim na puntos, kumpara sa pre-pandemic score na 79% noong 2019.

Nasa 23 puntos naman itong mas mataas kumpara sa record low na 50% noong 2020, kung kailan tumama ang COVID-19 pandemic.

Anang SWS, ang ­ekspektasyon ng masa­yang Pasko ay nasa record-high na 82% nang unang isagawa nila ang survey noong 2002.

Samantala, lumitaw rin sa latest survey na 6% ng mga Pinoy ay umaasa na magiging malungkot ang Pasko habang 21% naman ang umaasahang hindi ito magiging masaya o malungkot.

Mayroon din namang 51% ng mga Pinoy ang nagsabi na labis nilang ipinagpapasalamat ang pagkakaroon ng magandang kalusugan, 29% ang nagsabing nagpapasalamat sila dahil sa pagkakaroon ng pamilya, 16% ang nagpapasalamat dahil sa pagiging buhay, 10% ang thankful dahil mayroon silang trabaho, career at pagkakakitaan, habang 8% ang nagpapasalamat dahil may pagkain sila sa kanilang mesa.

Nasa 1,200 adult ­respondents ang kinapanayam ng SWS sa naturang survey na isinagawa sa pagitan ng Disyembre 8 hanggang 11, 2023.

Ang naturang survey ay mayroong sampling error margins na ±2.8% para sa national percentages at tig- ±5.7% naman para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

vuukle comment

PINOY

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with