^

Bansa

CPP-NPA nagdeklara ng 2 araw na tigil-putukan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdeklara nitong Sabado ng dalawang araw na tigil-putukan ang CPP-New People’s Army kaugnay ng pagdiriwang ng ika-55 taong anibersaryo ng komunis­tang kilusan.

Sa pahayag ng CPP-NPA, ang ceasefire ay mag-uumpisa sa hatinggabi ng Disyembre 25 at magtatapos bandang alas-11:59 ng gabi sa mismong Disyembre 26 kung saan nagdiriwang ang kanilang grupo ng anibersaryo.

“The two-day ceasefire aims to allow the peasant masses and NPA units in their area to conduct assemblies, meetings or gatherings to celebrate the Party’s anniversary, look back at past achievements, and pay tribute to all heroes and martyrs of the Philippine revolution,” pahayag ng CPP-NPA sa isang kalatas.

Ang deklarasyon ng tigil-putukan ay bilang pakikiisa rin sa taumbayan sa tradisyunal na selebrasyon ng kapaskuhan.

Sa kabilang banda, iginiit ng CPP-NPA na bagaman hinto muna ang mga opensiba laban sa puwersa ng gobyerno ay handa umano silang magdepensa sa mga pag-atake ng mga security forces.

Ang ceasefire ay idineklara ng CPP-NPA ilang araw naman matapos ang nangyaring bakbakan ng magkabilang puwersa na ikinasawi ng anim na rebelde at isang sundalo sa Balayan, Batangas.

Nabatid pa na hanggang wala pang pinal na desisyon ang gobyerno at ang hanay ng CPP-NPA ay todo alerto ang tropa ng mga sundalo sa posible umanong pag-atake ng NPA rebels na hindi umano malayong uma­­take bago at pagkatapos ng kanilang anibersaryo.

vuukle comment

CPA

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with