^

Bansa

Pagsusuot ng face mask, muling ipinayo ng eksperto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagsusuot ng face mask, muling ipinayo ng eksperto
Commuters waiting for rides are seen along Taft Avenue, Manila on November 22, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinayo ng isang infectious disease expert sa mga Pilipino ang muling pagsusuot ng face masks kapag nasa pampublikong lugar kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng sakit sa respiratory sa China.

Ngunit nilinaw ni Dr. Rontgene Solante, pa­ngulo ng Philippine College of Physicians, na hindi naman dapat mag-panic ang publiko dahil wala pa namang linaw kung may panibago na namang pandemya na idudulot ang naturang ulat sa China.

“Hindi tayo magpa-panic na baka sasabihin na naman nating another COVID or a novel pathogen na hindi natin alam,” saad ni Solante.

Ngunit hindi naman makakasama umano na maging mapagmatyag ang publiko laban sa sakit lalo ngayong malamig ang panahon. Dapat umano na gawing habit na ang pagsusuot ng face mask at nasa oras ang pagpapaturok ng mga bakuna para makaiwas sa mga sakit.

“But it is also important while monitoring mag-­iingat rin tayo dahil alam mo naman ang sakit ngayon mabilis nang mag-travel between country to another country dahil nga sa wala nang restrictions,” ayon pa sa doktor.

Na-monitor ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng mga “influenza-like” na sakot sa Hilagang Tsina nitong kalagitnaan ng Oktubre.  Ngunit iginiit ng China na walang kakaiba o “novel pathogens” sa mga tukoy na sakit na kumakalat sa rehiyon.

Sa kabila nito, iginiit ni Solante na kailangan ng ekstrang pag-iingat sa mga “vulnerable populations” tulad ng mga bata, nakatatanda, at may mga karamdaman na mada­ling mahawa ng sakit.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 182,721 “influenza-like illness” na ang naitala sa bansa nitong Nobyembre 11 ngunit bumabagal na umano ang pagtaas nito sa nakalipas na apat na linggo.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with