^

Bansa

3 Pakistani na may ugnayan sa terrorist group, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong Pakistani national na sinasabing may kaugnayan sa lokal na grupong terorista ang dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga del Sur kamakailan.

Sa ulat na nakarating kay BI Commissioner Norman Tansingco, nadakip sa may Purok Durian sa Brgy. Pinig Libano, Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong Oktubre 3 ang suspek na si Faizan Muhammad, alyas Faizan Khan, 34.

Inaresto siya ng mga tauhan ng BI dahil sa paglabag sa mga kundisyon ng kaniyang pananatili sa Pilipinas at sa pagiging undocumented alien. Nabatid na paso na ang travel documents niya at overstaying na sa bansa mula pa noong 2015.

Inireklamo siya, kasama ang isang Ali Wahab, 36-taong gulang, ng isang Filipina dahil sa hindi pagbabayad ng utang sa loob ng isang taon. Pinagbantaan pa umano siya ng mga suspek at ipinagmamalaki na suportado sila ng isang terrorist group.

Nadakip naman si Wahab, sa may Brgy. Banago, Balabagan, Lanao del Sur. Natimbog rin ang isa pang Pakistani na si Ajmal Ali, 35.

“Both were found to be overstaying and undocumented, and Ali was tagged by a report as a supplier of materials for a local extremist group in Central  ­Mindanao,” ayon sa BI.

vuukle comment

BI

NORMAN TANSINGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with