^

Bansa

Confi, intel funds ng ilang government agencies tinanggal na ng Kamara

Joy Cantos, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdesisyon ang mga lider ng Kamara na tanggalin na alisin ang confidential at intelligence funds ng mga ahensiya at departamento ng pamahalaan na walang kinalaman sa national security.

Ililipat umano ang pondo sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC), Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

“We have decided to reallocate — as part of the budget process — confidential and intelligence funds  to other agencies chiefly responsible for intelligence and surveillance such as the National Intelligence Coordinating Agency, National Security Council, PCG, and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources,” ayon sa joint statement ng mga lider ng Kamara.

Anila, mahalaga umano na masiguro na ang paggamit ng limitadong pondo ay nakalinya sa prayoridad ng gobyerno at pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

Sa isang joint statement nitong Miyerkules, sinabi ng mga mambabatas na lubhang nakakabahala at seryosong usapin ang kapangahasan ng China nang maglagay ng floating barrier sa Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc) sa Zambales upang pigilan ang mga mangingisdang Pinoy na mamalakaya sa nasabing lugar.

“We extend our collective support to the Philippine Coast Guard’s (PCG) swift and diploma­tic actions in removing the barriers at Scarborough Shoal. We commend their dedication to safeguarding our nation’s interests and standing up for the rights of our Filipino fishermen,” ayon sa joint statement.

Ang NICA ang pangunahing intelligence collector ng pambansang pamahalaan na namamahala, nag-uugnay, at nagsasama-sama ng lahat ng intelligence activity, sa bansa man o abroad na may kaugnayan sa seguridad ng bansa. Ang NSC naman ang pangunahing advisory body para sa maayos na koordinasyon at pagsasama-sama ng mga plano at polisiya na nakakaapekto sa seguridad ng bansa.

Katulad ng desisyon ng Kamara, tatanggalin o tatapyasin din ng Senado ang CIF ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ililipat ang mga pondo sa intelligence community gayundin sa PCG, at sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) na higit na nangangailangan dahil sa sitwasyon ngayon sa WPS.

Nang tanungin naman si Zubiri kung kasali na ililipat ang pondo ng Office of the Vice-President (OVP) at Department of Education (DepEd), sinabi nito na rerepasuhin nila ang lahat ng CIF ng ahensiya.

Sa ngayon ay kinukuwestyon ng ilang kongresista at senador ang paghingi muli ni Vice Pres. Sara Duterte ng P500 milyon na confidential fund para sa OVP at P150 milyong confidential fund para sa DepEd.

Binati naman ni Se­nate Minority leader Koko Pimentel sa desisyon na paglalaan ng CIF sa panukalang 2024 national budget para ibigay sa mga ahensiya na in charge sa mga  intelligence at surveillance activities bilang konsiderasyon sa sitwasyon sa WPS.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with