^

Bansa

Cayetano: Karunungan, pag-iingat kailangan sa pagbuo ng istratehiya sa WPS

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na gawin ang tama at huwag idaan sa lakas ang pagtugon sa West Philippine Sea.

Kasabay nito ang pa­nawagan ng senador na ang karunungan at mala­lim na pag-unawa sa ka­saysayan ang mahalaga sa pagbuo ng istratehiya sa West Philippine Sea.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos ang debate sa Senado tungkol sa Senate Resolution 659 na inihain ni Sen. Risa Hontiveros noong July 26. Layon ng resolusyon na hikayatin ang Philippine government sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs na maghain ng resolusyon sa United Nations General Assembly (UNGA) na mananawagan sa China na itigil na ang pangha-harass sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Cayetano na dapat magpapatuloy pa rin ang diskusyon tungkol sa usapin ng West Philippine Sea at kailangan ng “maturity” sa pagtugon sa problema at pagbuo ng istratehiya.

“In this regard, I believe not bringing this matter to the UN General Assembly is NOT a sign of weakness but a mark of maturity,” sabi ng senador.

Unang sinabi ni Caye­tano sa plenaryo noong Miyerkules na kaisa siya ng mga senador sa panawagan na itigil ng China ang harassment sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, pero iginiit niya na dapat maging maingat sa kung anong istratehiya ang gawin na hindi ikakahina ng bansa sa harap ng international community.

Unang kinuwestyon ni Cayetano kung ang proposed resolution ay tamang istratehiya at kung ang pag-akyat sa UNGA ba ang tamang forum para dito.

Bukod dito, sinabi rin ni National Security Adviser Eduardo Año na dapat pinag-iisipan at pinag-uusapan ng maayos ang isyu bago gumawa ng anumang hakbang lalo na kung ito ay tungkol sa pag-akyat sa UNGA.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with