^

Bansa

Gadon, dinisbar ng SC sa pagmumura

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Gadon, dinisbar ng SC sa pagmumura
Lorenzo "Larry" Gadon, the newly appointed Presidential Adviser for Poverty Alleviation, holds a press conference in Quezon City on June 28, 2023.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dinisbar na ng Supreme Court ang kontrobersyal na abogado na si Larry Gadon dahil sa mga binitiwan niyang mga maaanghang na salita laban sa isang mamamahayag.

Nakakuha si Gadon ng unanimous vote na 15-0 mula sa SC en banc para matanggalan ng lisensiya sa pagkaabogado.

Ayon sa korte, masyadong eskandaloso at kasiraan sa legal profession ang video clip ni Gadon na kumalat sa social media kung saan pinagmumura niya ang journalist na si Raissa Robles.

Ayon pa sa SC, nilabag ni Gadon ang Code of Professional Responsibi­lity and Accountability, na naglalayong panatilihin ang respeto at dignidad ng mga abogado.

Pinunto rin ng korte na dati nang nasuspinde si Gadon sa law practice dahil din sa kanyang mapanakit na mga salita at binalaan na siya na ang pag-ulit sa parehong paglabag ay bibigyan ng mas mabigat na parusa.

May anim pang administrative case laban kay Gadon na nakabinbin sa Office of the Bar, apat na kaso naman ang nasa Integrated Bar of the ­Philippines.

Maghahain naman ng motion for reconsideration si Gadon dahil masyado umanong mabigat ang parusa laban sa kanya.

Sinabi rin niya na hindi makakaapekto ang desisyon ng SC sa kaniyang bagong papel sa Malacañang.

Anya, matagal na siyang nagretiro sa pag-aabogado mula noong 2015 at ituturing na lang niya ang isyu sa kaniyang abogasya bilang personal na bagay.

Hindi rin umano siya hihingi ng paumanhin sa mga banat niya sa mga personalidad na nakabangga niya dahil sa mga kritisismo sa pamahalaan.

Ang hatol ng SC ay kasunod ng pagkakahirang kay Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.

vuukle comment

LARRY GADON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with