^

Bansa

Government ­executives humarap sa sugar smuggling probe ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humarap na sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa 440,000 metrikong to­neladang sugar smuggling sina Executive ­Secretary Lucas Bersamin, Agriculture Usec. Domingo Panganiban, Trade Secretary Alfredo Pascual, NEDA Secretary Arsenio Balisacan at iba pang senior government ­executives.

Paliwanag ni Bersamin sa naturang pagdinig na legal na sakop ng presidential directive at bahagi ng effort ng gobyerno para makontrol ang inflation ang pumasok na 440,000 metriko tonelada na imported asukal sa bansa.

Ayon pa sa Executive Secretary, tinata­yang mayroong apat na paraan para legal na makapag-import ng asukal, ang Sugar Order mula sa Sugar Regulatory Authority (SRA) ang isa dito.

Maaari rin umanong gamitin ang Minimum Access Volume (MAV) program, na isang probisyon ng Price Act, at ang direct order mula sa Presidente na siyang kaso sa 440,000 metric tons ng asukal na simulang dumating noong Pebrero.

Giit pa ni Bersamin, dating Chief Justice ng Korte Suprema, na nag-isyu ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos sa meeting nila sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) para tugunan ang inflation at mataas na presyo sa merkado na lubhang nakakasama sa mga ordinaryong mamimili.

Matapos din umano ang direktiba ng Pangulo ay nag-isyu si Bersamin ng memorandum noong Enero 13 na nag-aatas sa DA para mag-implement ng rekomendasyon sa Pangulo ng ikalawang Sugar Importation Program para sa Crop Year 2022-2023.

Nilinaw pa ni Bersamin sa komite na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino na ang nasabing importasyon ay hindi hakbang para sa kartel o para sa government smuggling ng asukal at walang iregularidad sa naturang importasyon.

Pinabulaanan din niya na ang nasabing importasyon ay para sa pinapaborang traders.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with