^

Bansa

1 pang suspek sa Degamo slay, sumuko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang dating sundalo na umano’y pangunahing ‘player’ sa pagkakapaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang sumuko na umano sa mga awtoridad at nakatakdang magbigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa krimen sa National Bureau of Investigation (NBI).

Magkasabay na inihayag ito nina Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa ginanap na press conference kahapon sa DOJ, Maynila.

Sinabi ni Remulla na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sumuko ang suspek at nakatakda ilipat ang kaniyang kustodiya sa NBI. Ngunit iginiit niya na kailangan pa rin na masusing isailalim sa ebalwasyon ang anumang impormasyon na kaniyang ibibigay.

“He knows other people involved and the information he told us corroborated with the statements given by others who were earlier arrested,” ayon kay Remulla.

Umaasa naman si Abalos na ang impormasyong ito ang tuluyang makakaresolba na sa kaso at magbibigay ng katarungan sa mga biktima.

Handa umano ang DILG na magbigay ng tulong at proteksyon sa mga pamilya ng mga biktima.

“The mastermind seems to have no conscience. Fear for your lives, baka kayo pa ang ipapatay nito,” saad ni Abalos.

Nasa 30 reklamo na ang naihain kaugnay ng pagpaslang kay Degamo at iba pa. Kasama dito ang unang apat na suspek na nadakip at nasa 12 pang John Does o mga hindi pa nakikilala.

Samantala, muling nanawagan si Remulla kay Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. na umuwi na ng Pilipinas at sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya kung talagang wala siyang kasalanan.

“Everything will come in due time, we cannot telegraph our punches, we just have to work quietly sometimes,” ayon pa kay Remulla. — Mer Layson

vuukle comment

CRIME

DOJ

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with