^

Bansa

Cha-cha aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Cha-cha aprub na sa Kamara
Sa botong 301 pabor, anim kontra at isang abstention ay ganap na naipasa ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na nanawagan ng reporma sa ekonomiya sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con) bilang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas.
STAR / File

MANILA, Philippines — Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panawagang pag-amyenda sa 1987 Constitution o Charter change.

Sa botong 301 pabor, anim kontra at isang abstention ay ganap na naipasa ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na nanawagan ng reporma sa ekonomiya sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con) bilang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

Ang RBH 6 na pangunahing iniakda nina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Kapatiran Party ay para sa layuning amyendahan ang probisyon sa ekonomiya upang lumikha ng trabaho at kumita para suportahan ang mga pro-poor programs ng gobyerno.

Sinabi ni Romualdez na ililimita ang Cha-cha sa probisyon sa ekonomiya ng pangunahing batas ng bansa upang makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan.

Binigyang diin ni Romualdez na ang reporma sa investment sa pamamagitan ng probisyon sa ekonomiya ay magsisilbing huling piraso sa isang ‘puzzle’ para mapagbuti ang ekonomiya at investment sa bansa.

Samantala, aprubado na rin ng komite ang paghahalal ng mga delegado sa Con-con na isasabay sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30, 2023.

CHA-CHA

RBH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with