^

Bansa

Pangulong Marcos, niregaluhan si Anwar ng ‘Noli Me Tangere’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, niregaluhan si Anwar ng �Noli Me Tangere�
Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Photo by Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Niregaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ng kopya ng classic Filipino novel na “Noli Me Tangere” ni Dr. Jose Rizal (Tercera Edition, 1909).

Ayon sa Radio Television Malacañang (RTVM) sa isang post sa Facebook na itinuturing ni Anwar si Rizal bilang “precursor to Asian renaissance” at lubos itong nagpapasalamat sa Pangulo sa pagbibigay ng isang regalong hindi matutumbasan ang halaga.

Ang asawa naman ni Anwar na si Wan Azizah Wan Ismail, ay nakatanggap ng Waling-Waling brass card holder na gawa ng mga Cebuano artisans.

Dumating si Ibrahim sa Maynila noong Miyerkules para sa dalawang araw na official visit.

Tinawag ng Pangulo na “noteworthy” ang pakikipagpulong sa Malaysian PM kung saan nagpalitan sila ng ideas at perspective sa mga bagay na mayroon silang mutual interest.  

Nauna rito sinabi ni Marcos na nagkasundo sila ni Anwar na palakasin ang seguridad, kalakalan at pagpapalitan ng pamumuhunan, at kapwa nila kinikilala ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

vuukle comment

ANWAR IBRAHIM

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with