^

Bansa

Pinoy na walang trabaho lumobo sa 2.22-M pero 'job quality' umakyat

James Relativo - Philstar.com
Pinoy na walang trabaho lumobo sa 2.22-M pero 'job quality' umakyat
Shoppers flocked to Ylaya street in Divisoria, Manila to buy gifts on December 23, 2022. STAR/Ernie Penarendondo
The STAR/Ernie Penarendondo

MANILA, Philippines — Lumala pa lalo ang unemployment rate sa Pilipinas sa 4.3% (katumbas ng 2.22 milyon) bago nitong Disyembre 2022, habang bahagyang nabawasan ang mga naghahanap ng dagdag pang trabaho o underemployed kasabay ng holiday rush.

'Yan ang ibinahagi ng Philippine Statistics Authority, Miyerkules, na siyang ikalawang pinakamababang porsyento ng empleyo sa Pilipinas simula Abril 2005.

"In terms of magnitude, the total number of unemployed persons 15 years old and over increased by 43,000, from 2.18 million in November 2022 to 2.22 million in December 2022," ayon sa ahensya.

Narito ang mahahalagang numero sa ngayon pagdating sa trabaho sa bansa:

  • unemployment rate: 4.3%
  • unemployed: 2.22 milyon
  • employment rate: 95.7%
  • employed: 49 milyon
  • underemployment rate: 12.6%
  • underemployed: 6.2 milyon
  • labor force participation rate: 66.4%
  • labor force: 51.22 milyon

Kapansin-pansing bumaba ang porsyento ng employment rate at may trabaho kumpara sa naitala isang buwan bago ito. 

'Holidays nagpababa sa underemployment'

"Talagang may significant na pagbaba sa percentage ng underemployment rate, kasama na rin 'yung number [ng underemployed]... At ito ay significantly lower compared doon sa numero noong Nobyembre 2022 na nasa 7.16 million at even doon sa Disyembre 2021 na nasa 6.81 million," banggit ni Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar ng PSA.

"Ang klaro talaga ay dumami 'yung nagkaroon ng trabaho na medyo mataas 'yung quality, given the number of hours [dahil peak season at maraming mapagkakakitaan noong holidays]."

Dagdag pa ng PSA official, posible talagang dumami ang mga underemployed pagkatapos ng Kapaskuhan at Bagong Taon dahil sa nabanggit.

Sinasabing 40.3 hours ang average weekly hours na trinabaho ng mga taong may trabaho nitong Disyembre kumpara sa 39.3 at 39.7  noong Nobyembre 2022 at Disyembre 2021.

Ang lahat ng ito ay nangyayari ngayong umakyat sa 8.7% ang inflation rate nitong Enero 2023, bagay na naging bagong pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa loob ng 14 taon.

Noong nakaraang buwan lang nang sabihin ng Social Weather Stations na lumobo sa 11.8% ng pamilyang Pilipino ang "nagutom at walang makain" sa huling tatlong buwan ng 2022.

vuukle comment

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNDEREMPLOYMENT

UNEMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with