^

Bansa

Gatchalian, handa sa hamon sa DSWD

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Give me a chance to lead and perform my new job (DSWD Secretary)!”

Ito ang mariing apela ni dating Valenzuela Congressman at ngayo’y Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa kaniyang mga kritiko.

“Nakikiusap lang ako sa lahat ng mga kritiko o mga nakatingin, bigyan n’yo na lang muna ako ng chance to perform,” apela ni Gatchalian matapos itong manumpa na bilang bagong Kalihim ng DSWD kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng dating solon na handa siya sa hamon ng bago niyang tungkulin at papatunayan din niya ang kaniyang sarili lalo na at 15 taon ang kaniyang karanasan sa serbisyo publiko.

Una rito, binatikos ng mga kritiko si Gatchalian sa pagsasabing nakuha lamang nito ang posisyon dahil sa pagsuporta sa kandidatura ni Pangulong Marcos noong May 2022 national election. Ang opisyal ay dati na ring nagsilbing Kongresista sa 14th at 15th Congress at muling nakabalik sa puwesto sa 19th Congress bago natalaga sa DSWD.

Si Gatchalian ay kapatid ni Sen. Sherwin Gatcha­lian na nagbalik Kongreso matapos na magwagi sa nakalipas na May 2022 national election sa unang distrito ng lungsod ng Valenzuela. Gayunman, ang pagtatalaga kay Gatchalian sa DSWD ay kailangan munang dumaan at kumpirmahin ng Commission on Appointments (CA).

Pinalitan ni Gatchalian si Erwin Tulfo na hindi nakalusot sa CA dahil sa isyu ng citizenship at kasong libel nito. Pansamantala namang itinalaga bilang Acting DSWD Secretary si Eduardo “Edu “ Punay, Undersecretary for Special Projects ng ahensya.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with