^

Bansa

Bilateral labor agreement sa ­Kuwait government rerepasuhin ng DMW

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng isang opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado na rerepasuhin ang kasalukuyang Bilateral Labor Agreement (BLA) sa Kuwait upang higit na maprotektahan ang mga OFWs kasunod ng pagpatay kay Jullebee Ranara ng anak ng kanyang amo.

“The directive of Secretary Toots (Susan) Ople (is) that it is time to revisit or review the labor agreement to further strengthen the protection of OFWs,”ani DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac.

Ang BLA ay nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwaiti governments noong 2018.

Idinagdag ni Cacdac na titingnan din nila ang recruitment standards upang matiyak na ang mga ahensya lamang na may mahusay na track record ang maaaring kumuha ng mga manggagawang Pilipino.

Nabatid na ang labi ni Ranara  na dumating nitong Biyernes ng gabi sa bansa, na isasailalim sa awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Cacdac na ang mga awtoridad ng Kuwait ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa pag-usad ng kaso.

Ang 17-anyos na Kuwaiti na suspek sa pagpatay kay Ranara ay nakapiit na habang hinihintay pa ang official findings sa kaso, ayon kay Cacdac.

 

 

vuukle comment

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with