^

Bansa

DOH sa 2-M dumalo sa Nazareno 2023: 'COVID-19 symptoms obserbahan'

James Relativo - Philstar.com
DOH sa 2-M dumalo sa Nazareno 2023: 'COVID-19 symptoms obserbahan'
Roman Catholic devotees, some carrying miniature statues of the Black Nazarene, walk along a street dubbed "walk of faith" as they celebrate the annual feast of the Black Nazarene in Manila on January 8, 2023, which devotees believed to have miraculous powers.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pinapayuhan ng Department of Health ang milyun-milyong dumalo sa kapistahan ng Itim na Nazareno na halos isang linggo mag-face mask kung sumama bigla ang pakiramdam — ito upang maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19.

Ang payong ito ay ibinigay ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, matapos ang tatlong araw na aktibidad kaugnay ng pagdiriwang na siyang natapos nitong ika-9 ng Enero.

Umabot ito sa 2 milyong deboto, ani Quiapo Church spokesperson Fr. Earl Valdez.

"Paalala lamang po sa mga taong um-attend nitong feast ng Black Nazarene, maaari lamang pong obserbahan ang ating sarili, at kung saka-sakali lamang pong makakaramdam na parang tinatrangkaso, sinisipon, inuubo, nilalagnat, mag-isolate na agad at tumawag sa ating local government for proper management," ani Vergeire sa isang media forum.

"Kung maaari rin lang po, magsuot po tayo ng mask for the next five days para lang maiwasan kung saka-sakali ang pagkalat ng sakit."

Matatandaang kanselado pa rin ang Traslacion ngayong taon ngunit pinalitan ng "Walk of Faith" noong Linggo dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

Ang mga dumalo ngayong taon ay kapansin-pansing mas maliit kumpara sa inaasahan ng Manila Police District na 5 milyon, bagay na parehong bilang ng mga dumadagsa sa naturang religious gathering bago ang pandemya.

Taun-taong dinadagsa ng mga deboto ang nasabing kaganapan lalo na bago pumasok ang COVID-19 sa Pilipinas. Marami sa mga namamanata ay naniniwalang milagroso ang imahen ng Itim na Nazareno na halaw sa itsura ni Hesukristo.

Marami sumunod sa protocols pero...

Sa kabila ng dami ng mga nagpunta sa kaganapan simula ika-7 ng Enero, napansin ng DOH na marami pa rin sa kanila ay sumusunod sa minimum public health standards laban sa nakamamatay na sakit.

"Although totoong dikit-dikit sila, most of them are wearing their masks," dagdag pa ni Vergeire.

"Marami sa kanila kapag nakakausap namin, 'pag pumupunta sa aming tent, ay nandun pa rin 'yung kanilang pag-aagam-agam na baka magkaroon ng sakit kaya medyo nag-iingat talaga sila."

Sa kabila nito, patuloy naman daw nilang imo-monitor ang mangyayari sa mga deboto lalo na't kinakailangan pang mag-antay ng dalawang linggo — na siyang incubation period ng virus. Doon pa lang daw malalaman kung totoong magkakaroon ito ng epekto sa mga kaso.

Hindi naman daw ito ang unang beses na mangyari ito, gaya na lang noong 2022 national elections, ngunit napanatiling kontrolado ang bilang ng infections.

"So, hopefully, ngayon ganoon pa rin dahil naniniwala tayo na 'yung bakuna talaga ay pinoproteksyunan tayo. At naniniwala din tayo... na ang ating mga kababayan ay mas maingat at alam na nilang proteksyunan ang kanilang sarili," sabi pa ng DOH official.

Umabot na sa 4.06 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito noong 2022. Sa bilang na ito, 65,486 na ang patay.

vuukle comment

BLACK NAZARENE

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

QUIAPO CHURCH

TRASLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with