Ex-Justice Tinga itinalagang DBP chairman
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Supreme Court (SC) Associate Justice Dante Osorio Tinga bilang acting chairman at miyembro ng Board of Directors ng Development Bank of the Philippines (DBP).
Nanumpa na si Tinga sa Malacañang nitong Huwebes sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Si Tinga ay nagsilbi bilang SC associate justice mula 2003 hanggang 2009. Siya rin ay dating miyembro ng House of Representatives, na kumakatawan sa Taguig-Pateros District.
Nagsilbi rin si Tinga bilang dean ng University of the East College of Law mula 1989 hanggang 1993 at muli mula 2017 hanggang 2018.
Ang DBP ay ang pangunahing institusyong pinansyal ng pamahalaan na nakatuon sa pagsuporta sa mga pangunahing programa sa pagpapaunlad ng pambansang pamahalaan.
- Latest