^

Bansa

Grupo: Importasyon ng 64,050 MT asukal 'di patatamisin presyo sa merkado

James Relativo - Philstar.com
Grupo: Importasyon ng 64,050 MT asukal 'di patatamisin presyo sa merkado
Officers pose as they inspect a shipment of refined sugar from a smuggled shipment worth 3.86 million USD seized by the Philippine Bureau of Customs at the Manila International Container Terminal in Tondo, Metro Manila on October 17, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Hinahamon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang desisyon ng gobyernong mag-angkat uli ng sandakmakmak na asukal na gustong gawin ng gobyerno bilang tugon sa pagtaas ng mga presyo.

Pinabibilisan kasi ngayon ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng 64,050 metro toneladang refined sugar matapos iutos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. — na tumatayong kalihim ng kagawaran — na i-stabilize ang mataas na presyo ng asukal.

"Hastening the entry of imported refined sugar into the domestic market will not stabilize its selling prices," wika ni KMP chairperson Danilo Ramos, Biyernes.

"Sugarcane milling season is at its peak from November to December. Why import during the milling season? Who decided on this and for whose benefit?"

Setyembre taun-taon nagsisimula ang milling season sa industriya ng asukal. Una nang itinakda ng Sugar Regulatory Administration ang crop year mula ika-1 ng Setyembre, 2022 hanggang ika-31 ng Agosto, 2023.

Sa Memorandum Order 77 ng DA, sinabing umabot na sa 38% ang annual inflation increment para sa asukal, confectionary at desserts. Kasabay 'yan ng pag-abot ng inflation rate sa 8% nitong Nobyembre, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo sa higit 14 taon.

Ito ang dahilan kung bakit ipina-convene ng DA nitong ika-20 ng Disyembre ang Minimum Access Volume (MAV) Advisory Council para pabilisin ang pagpasok ng panibagong batch ng dayuhang asukal.

Tutukoy ang MAV sa bolyum ng isang espisipikong agricultural product na maaaring iangkat sa mababang taripa (buwis sa import). Parte ito ng commitment ng gobyerno sa World Trade Organization.

'Importasyon noon hindi napababa presyo'

Dagdag pa ni Ramos, napatunayan na ng Rice Liberalization Law at importasyon ng sibuyas, bawang at gulay na "economic misstep" ang muling pag-aangkat. Tumutukoy ang trade liberalization sa pagbabawas o pagtanggal ng regulasyon sa palitan ng produkto sa pagitan ng mga bansa.

Ginagawa ang importasyon upang pababain ang mga presyo dahil sa mataas na suplay. Sa kabila nito isa ang sibuyas na ibinebenta sa Pilipinas sa pinakamahal sa mundo sa P300/kilo.

May shortage ngayon sa suplay ng sibuyas sa Pilipinas, ngunit wala raw plano ang DA na mag-import ng bago lalo na't mag-aani na raw ang mga magsasaka sa susunod na buwan.

"There are many factors affecting high sugar prices. High cost of production is one and this should be decisively addressed by the DA and Malacañang," paliwanag ni Ramos.

"Sugar workers and seasonal farm workers or sacadas have been bearing the brunt of stalled wages and lacking benefits. Sila ang totoong nagsasakripisyo sa mataas na presyo ng asukal."

Panawagan ng KMP, maaaring mapababa ang presyo ng asukal sa pagkontrol ng presyo ng fuel, fertilizer, truck parts, equipment atbp. na siyang may kinalaman sa sugar production chain. Ilan sa dati na nilang itinutulak na magpapababa sa presyo ng pagbasura sa Oil Deregulation Law.

Bukod pa rito, masosolusyonan din ang inflation sa asukal atbp. agri products sa pamamagitan ng pagpapataas ng lokal na produksyon at pagbibigay ng kailangang suporta sa mga magbubukid.

Aabot sa 60% ng total sugar output ng Pilipinas ang nanggagaling sa Negros, kung saan may 13 sugar mills at anim na refineries. Sa pagtataya ng KMP, bumaba mula 423,000 patungong 399,000 ektarya na lang ang ginagamit sa sugar production dahil sa land-use conversion.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

IMPORTATION

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS

SUGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with