^

Bansa

CSC pinapurihan tungkulin ng HR officials

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinapurihan at binigyang pagkilala ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Alexei Nograles ang malaking papel na ginagampanan ng Human Resource Management Practitioners (HRMPs) sa pampublikong sektor upang maisulong ang mga pagbabago at pagkakaroon ng mahusay na serbisyo sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Ito ang mensahe ni Nograles sa opening ce­remony ng 25th Regional Continuing Professional Education for Human Resource Management Practitioners na ginanap sa Ilocos Sur kamakailan.

Ayon kay Nograles, ang HRMP ay silang namumuno para sa kinakailangang human capital o mga kawani ng pamahalaan.

Iginiit pa ni Nograles sa pamamamagitan ng HR managers, ang pagkakaroon ng mga public office ng kaukulang mga tauhan kung saan ang mga ito rin ang gumagabay at humuhubog sa bawat state workers upang maging mahusay sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Sinabi ni Nograles na sa 1.8 milyon na mga lingkod bayan, kung saan sa Ilocos ay mayroong 95,875 career at non-career personnel, ang HRMPs nito ay nagsisilbi ring tagapagsulong sa pagkamit ng kapayapaan, seguridad, matatag na ekonomiya at pagkapantay-pantay sa rehiyon. Hinimok ng CSC Chief ang naturang mga opisyal na patuloy na magpatupad ng mga kinakailangang reporma at makabagong sistema sa larangan ng HR management sa layuning mapagbuti ang operasyon ng gobyerno at makapagbigay ng maayos na pamumuhay sa mahigit sa 100 million mga Pilipino.

vuukle comment

CIVIL SERVICE COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with