^

Bansa

Libreng pera padala para sa OFWs, inilunsad

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad nitong Linggo ang pagsasanib ng Sendwave at GCash na bagong “fee-free money transfer apps” o “libreng pera padala” na layong  matulungan ang mga overseas Filipino workers at ang kanilang mga mahal sa buhay na pakinabangang mabuti ang ipinadadalang mga remittance.

Ayon kay Dan Santos, Sendwave Growth Manager sa Pilipinas, nakipagtambalan na sila sa mga  tradisyunal na paraan ng ‘money transfer’ gaya ng bank transfers o cash collection at maging sa mga digital wallets tulad ng GCash.

Aniya, Setyembre 2021 nang ilunsad nila ang Sendwave sa Pilipinas bilang pagtugon sa pandemyang dulot ng Covid-19 kung saan tinatayang makakatipid ang mga OFW ng $1 bilyong kada taon sa paggamit ng kanilang fee-free up.

Sinabi naman ni Julie Abalos, International Remittance Head ng GCash, na 83 percent ng adult population ng bansa ay gumagamit na nito.

Ang Sendwave ay unang inilunsad noong 2014 at napalawig sa parte ng mga bansang Africa, Asia at Latin America at ngayon ay halos isang milyong katao na ang gumagamit nito, na nakapagpadala na ng mahigit $10 bilyon sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

Bilang endorser, sinabi naman ni King of Talk Show host na si Boy Abunda, agad siyang napapayag dahil nakita niya ang kahalagahan ng ‘Sendwave app’ sa mga Filipino sa iba’t ibang bansa. Aniya, malaking tulong sa OFWs ang kanilang natitipid sa bayarin sa pagpapadala ng remmittance.

Maaaring mag-download ng Sendwave app sa App Store o Google Play sino man nasa America, Canada at parte ng Europe upang madaling matanggap ng kanilang pamilya sa Pilipinas ang remittances.

vuukle comment

GCASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with