^

Bansa

Legal assistance, trabaho alok ng OVP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil magkakaloob na rin ngayon ang Office of the Vice President (OVP) ng libreng legal assistance at trabaho sa mga mamamayan.

Nabatid na lumagda ang OVP kahapon ng kasunduan sa Public Attorney’s Office (PAO) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang maisakatuparan ang naturang mga programa.

Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ang OVP ay nakapokus ngayon sa “peace and entrepreneurship.”

Gayunman, ilan sa mga concerns na natatanggap ng OVP at kanilang satellite offices, ay hindi nakahanay sa kanilang mga prayoridad.

Ani Duterte, dito nila naisipang makipag-partner sa DOLE para sa mga naghahanap ng emergency employment o pagtawid sa panahong wala silang trabaho, at sa PAO, para sa mga naghahanap ng legal advice o legal assistance.

Sa panig naman ni PAO chief Atty. Persida Acosta, sinabi nito na maaari silang magtalaga ng mga abogado sa satellite offices ng OVP sa mga rehiyon upang magkaloob ng libreng legal services sa mga nangangailangan nito.

Sinabi naman ni Labor Undersecretary Felipe Egargo Jr. na ang DOLE ang magkakaloob ng tulong, sa pamamagitan ng kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, na nagkakaloob ng trabaho sa displaced workers na naghihintay ng permanentent employment.

vuukle comment

OVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with