^

Bansa

Pinas handa sa epekto ng Russia-Ukraine war

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas handa sa epekto ng Russia-Ukraine war
A Ukrainian serviceman is seen in the window of a damaged residential building at Koshytsa Street, a suburb of the Ukrainian capital Kyiv, where a military shell allegedly hit, on February 25, 2022. Russian forces reached the outskirts of Kyiv on Friday as Ukrainian President Volodymyr Zelensky said the invading troops were targeting civilians and explosions could be heard in the besieged capital. Pre-dawn blasts in Kyiv set off a second day of violence after Russian President Vladimir Putin defied Western warnings to unleash a full-scale ground invasion and air assault on Thursday that quickly claimed dozens of lives and displaced at least 100,000 people.
AFP / Daniel Leal

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng ka­handaan ang Pilipinas sa panganib na maaaring idulot ng gulo sa Russia at Ukraine gayundin ang matinding epekto ng mga kalamidad.

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng nararanasang pandaigdigang inflation dulot ng mataas na presyo ng pagkain, enerhiya at transportasyon.

Sa kanyang pagsasalita sa Second ASEAN Global Dialogue sa nagpapatuloy na ASEAN Summit sa Phnom Penh, Cambodia, sinabi ng Pa­ngulo na may Medium-Term Fiscal Program ang Pilipinas na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028 na gagawin ng kanyang gobyerno sa loob ng anim na taon.

Nasimulan na aniya ang pagbangon mula sa COVID pandemic at nakakausad na ang ekonomiya mula sa epekto ng pan­demya.

Ibinida rin ng Pangu­lo na nakabuwelo ang ekonomiya mula sa 5.7 percent na gross domestic product (GDP) noong 2021 at ngayon ay 7.8 percent sa unang kalahati ng 2022 na indikasyong nakakabangon na ang Pilipinas.

Pero inamin ni Marcos na walang isang bansa ang makakamit ang economic progress kung nag-iisa ito at kailangang magtulungan upang makamit ang mas magandang sitwasyon ng ekonomiya sa Asya.

vuukle comment

RUSSIA-UKRAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with