Piso, papalo sa P68 kada dolyar
MANILA, Philippines — Posibleng pumalo ang palitan ng piso sa P68 kada US dollar, babala ng ekonomistang si House Committee on Ways and Means Rep. Joey Salceda.
“There is no resistance. There is no anchor, so to speak. So, I can see the dollar sustaining its strength against the peso”, ani Salceda na sinabing sa kasalukuyan ay malaki ang indikasyon na bumagsak pa ang piso sa palitan nito sa mataas na dolyar.
“This could go as high as P65 to P68 per dollar. And, frankly, there’s not much we can do,” anang solon.
Sa pagtaya ng ilang sektor, kapag mataas ang palitan ng dolyar sa piso ay nakakadagdag pasanin ito sa mga Pilipino lalo na sa hanay ng mahihirap.
Sinabi ni Salceda na sa kasaysayan ng bansa ang paghina ng palitan ng piso sa dolyar ay umaabot sa 38% na pagbaba ng currency ng bansa.“Depreciation in the early 1970s, by 41 percent, even led to an eventual boom in Philippine exported commodities by 1974. Depending on where you start counting, the PHP has depreciated by 18 percent to 23 percent against the dollar during this period of depreciation”, ayon kay Salceda na sinabi pang tila nauulit lamang ang kasaysayan.
- Latest