^

Bansa

COA pinuna DOTr sa mga naantalang proyekto; DOTr wala raw pondo

Philstar.com
COA pinuna DOTr sa mga naantalang proyekto; DOTr wala raw pondo
The photo of the Commission on Audit's office in Quezon CIty taken on Aug. 17, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Department of Transportation (DoTr) sa mga naantala nitong mga proyekto na aabot sa P8.1 billion ang halaga.

Sa 2021 annual audit report ng DOTr, binanggit ng COA na mula Dec. 31, 2021, mayroong apat na proyektong hindi natapos ang ahensiya. 

Isa sa mga proyektong ito ay ang pagsupply ng 48 light rail vehicles (LRVs) sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

P3.76 billion ang itinalagang budget sa proyektong ito ng DOTr kasama ang Dalian Locomotive at Rolling Stock Co. of China. Plano dapat ipatupad ang pagsu-supply ng MRT-3 noong Feb. 26, 2014 hanggang Jan. 20, 2017.

Pangalawa sa mga proyektong ito ay ang pagpapatayo ng Unified Grand Central Station-Area A sa North EDSA sa Quezon City. 

Ang P2.783 billion na proyekto ay naglalayong magtayo ng isang viaduct sa Light Rail Transit Line-1 na magkokonekta sa LRT-1 at MRT-3. 

Ang ikatlong proyektong naantala ay ang pagpapalit ng plaka ng mga rehistradong sasakyan ng kalakip na ahensiya ng DOTr, ang Land Transportation Office.

Dagdag pa ng COA, 2.6 billion na plaka ng sasakyan na nagkakahalaga ng P1.15 billion, bayad na ng mga nagmamay ari ng four-wheeled vehicles, ang hindi pa nagagawa ng LTO.

Huli sa mga proyektong hindi pa tapos  ay ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na dapat ipinatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Ang budget ng PUVMP ay P392.62 million.

‘Walang pondo yan’

Sa isa namang hiwalay na pahayag, iginiit ng DOTr na hindi raw makausad ang ilang China-backed railway projects sa kawalan ng pondo nito.

“Ang gusto nating malaman ng tao, walang pondo. Para sa Calamba to Bicol, iyong P142 billion na pinag-usapan, walang pondo iyan. Iyong Clark to Subic, walang pondo yan. Iyong Tagum-Digos, yung 110 kilometers, walang pondo yan,” sabi Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez noong Huwebes.

“[Sinasabi namin ito] para to manage expectations ng taumbayan, by both Houses of Congress, the Cabinet and the people. Iyong mga umaasa,” dagdag pa ni Chavez.

Matatandaan noong 2020, binanggit ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na mabagal ang pagbibigay ng China ng pondo para sa infrastructure projects ng bansa.

Ang ginagawang Tagum-Digos Railway na tatawagin ring Mindanao Railway ay isa sa mga campaign promises ni former president Rodrigo Duterte. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

RAILWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with