^

Bansa

2.93 million Pinoys, jobless noong Mayo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2.93 million Pinoys, jobless noong Mayo
Commuters lined up while waiting for public utility vehicles along Commonwealth Avenue, Philcoa Quezon City on Thursday (July 7, 2022).
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho at underemployed noong Mayo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang jobless rate ay nasa 6 percent o 2.93 milyong Pilipino ang walang kabuhayan, mas mataas sa 5.7 percent jobless rate noong Abril.

Gayunman, ito ay mas mababa naman sa 7.7% jobless rate noong May 2021.

Samantala, umabot naman sa 14.5 percent ang underemployment rate noong Mayo na mas mataas sa 14 percent noong Abril at 12.3 percent noong May 2021.

Ang mga underemployed persons ay yaong mga taong gustong madagdagan ang oras ng kanilang trabaho o mga taong nais ng mas mahabang pagtatrabaho.

Ayon sa PSA, ang services sector ang may pinaka maraming bilang ng manggagawa sa ngayon o 59% ng 46.08 million employed population.

Ikalawa ang agriculture sector na may 22% share at industry sector, 19%.

Mula Abril hanggang Mayo, kabuuang 1.12 milyong bagong manggagawa ang nadagdag sa wholesale at retail trade gayundin sa motor vehicle at motorcycle repair subsector.

Tumaas naman ang manggagawa sa construction ng may 232,000 bagong laborers; fishing at aquaculture  ay nadagdagan ng 104,000; manufacturing nadagdagan ng 90,000 manggagawa; at sa transportation at storage ay may nadagdag na 70,000.

Sa agriculture at forestry subsector ay 733,000 ang natanggal sa trabaho. May 51,000 professional ang nawalan ng trabaho mula sa scientific at technical sub-sector.

vuukle comment

JOBLESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with