^

Bansa

‘We gave it our all’: Robredo mixed emotions sa pamamaalam sa OVP

Philstar.com
âWe gave it our allâ: Robredo mixed emotions sa pamamaalam sa OVP
Out going vice presiden Leni Robredo spends her last moments in her office in Quezon city talking to the media on June 29 2022. Just before leaving her office, the Office of the Vice President received an unqualified opinion from state auditors for the fourth consecutive year.
Photo by Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — "Mixed emotions" — ganito inilarawan ni outgoing Vice President Maria Leonor "Leni" Robredo ang kanyang naramdaman sa huling umaga niya sa Office of the Vice President (OVP), Quezon City Reception House.

Sa Facebook post ng opisyal nitong Miyerkules, makikita ang 20 minute video kung saan kanyang ibinahagi ang mga huling sandali niya sa OVP. Extraordinary raw ang last morning siya sa OVP.

"Today, ordinary.. pero extraordinary day kasi first time na nag-request ako ng picture taking with the [s]ecurity group assigned to me," sambit niya.

"Ngayon na last day namin, merong request ang aming VPST na kung pwede ‘yung di namin ginawa na [p]rotocol para sa VP ay gawin namin [for the] first and last time.”

"Pagbibigyan ko sila, sabi ko ‘[n]gayon ako naman ang susunod,’ pero nahihiya ako. [A]ng request pala nila ay wang-wang…[y]un ang challenge.”

 

 

Makikita rin na ikinabit ang portrait niya sa loob ng OVP at ang pagwang-wang ng kanyang security team sa paligid ng reception house.

Mababatid din sa video ang pag re-create.niya ng picture kasama ang mga anak niyang sina Aika, Tricia, at Jillian na kuha mula sa unang araw niya sa OVP.

Nagpahayag ng pasasalamat si VP Leni sa mga nakasama niya sa kanyang opisina na silang "matitino at mahuhusay na lingkod bayan."

"[N]angibabaw sa lahat ang pasasalamat sa pagkakataon na makapaglingkod.  Pasasalamat din na biniyayaan ako ng mga kasama sa trabaho [na] dahilan kung bakit malungkot din ang araw na ito. Mahirap isipin na maghihiwahiwalay na kami pagkatapos ng anim na taon na magkakasama kaming naglingkod sa gitna ng napakahirap na political landscape," saad ng opisyal.

"Kaya siguro naging matibay ang aming samahan dahil sa gitna ng kahirapan, we were able to render the kind of governance we feel every Filipino deserves," pagpapatuloy niya.

“We gave it our all. Walang sinayang na oras at pagkakataon.”

Highest COA Rating

Sa kanyang huling araw sa OVP at bilang Ikalawang Pangulo ng bansa, iniwan ni VP Leni ang kanyang opisina na may highest audit rating mula sa Commission on Audit na siyang ikaapat na beses nang natamo ng kanyang team.

“We were granted an unqualified opinion by the Commission on Audit for the 4th straight year (2018-2021),” tweet ng opisyal kahapon.

“What a fitting exclamation point to our 6 years at the OVP.” — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

LENI ROBREDO

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user