^

Bansa

SC ibinasura ang DQ vs Marcos!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
SC ibinasura ang DQ vs Marcos!
Sa litratong ito, makikitang kumakaway si president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kanyang mga tagasuporta.
Mula sa Facebook page ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hudyat ng malayang oath-taking niya bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Sa botong 13-0, ibinasura ng SC en banc ang petisyon kontra sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon sa Certificate of Candidacy ni Marcos at isa pang pe­tisyon na humihiling naman na idiskuwalipika siya.

“The Court held that in the exercise of its power to decide the present controversy led them to no other conclusion but that respondent Marcos Jr. is qualified to run for and be elected to public office. Likewise, his COC, being valid and in accord with the pertinent law, was rightfully upheld by the Comelec,” ayon sa pahayag ng SC Public Information Office.

Pinonente ni Associate Justice Rodil Zalameda ang kautusan, ngunit hindi pa naisasapubliko ang kopya ng desisyon.

Nabatid na hindi lumahok sa desisyon sina Associate Justices Henri Jean Paul Inting at Antonio Kho Jr.

Ibinaba ng SC ang desisyon may dalawang araw bago ang inagurasyon ni Marcos sa darating na Hunyo 30 sa National Museum sa Maynila.

Sa komento ng panig ni Marcos na humihi­ling sa pagdismis sa mga petisyon, hiniling nila na protektahan ng SC ang kalayaang mamili ng mamamayang Filipino ng kanilang presidente na si Marcos Jr. Ikinatwiran din nila na ang kakulangan sa merito ng mga petisyon.

Bukod pa rito ang pagsasagawa na ng Kongreso ng pag-canvass sa mga Certificates of Canvass at pagproklama na kay Marcos na nanalong pangulo.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with