^

Bansa

Planong panggugulo ng CPP-NPA sa inagurasyon ni Marcos, kumpirmado!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Planong panggugulo ng CPP-NPA sa inagurasyon ni Marcos, kumpirmado!
Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr, presumptive president-elect, speaks to reporters at the campaign headquarters in Mandaluyong City on May 11, 2022.
AFP/Ron Lopez

MANILA, Philippines —  Kinumpirma kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakatanggap sila ng intelligence reports hinggil sa planong panggugulo at panghihiya ng mga komunistang grupo sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ngunit tiniyak na hindi nila ito pahihintulutang maisakatuparan.

Ang pahayag ay ginawa ni DILG Undersecretary at NTF ELCAC Spokesperson Jonathan Malaya kasunod ng pagbubunyag ng mga dating kadre ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na nagpaplano ang communist terrorist group na guluhin ang oath-taking ceremony ni Marcos Jr., na isasagawa sa National Museum sa Maynila sa Hunyo 30.

Sa isang press briefing na inorganisa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) noong Lunes, dalawang dating rebelde na sina Orlando “Ka Warly” Baluyot, na ngayon ay chairman ng Tinang Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative, at Ka Pong Sibayan, magsasaka mula sa Ha­cienda Tinang sa Concepcion, Tarlac, ang nagsabi na ang mga radikal na makakaliwa ay nagsi­mula nang mag-organisa ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan upang isagawa ang naturang masamang balak.

Bukod pa anila sa Hacienda Tinang, nakiki­pagpulong na rin ang mga opisyal at mga miyembro ng CPP-NPA-NDF front organizations sa mga magsasaka sa mga kalapit na Hacienda Murcia at Barangay Central sa loob ng Hacienda Luisita.

“Ayaw talaga nilang maupo si Marcos. Iyon ang nakita natin na gagawin nila sa June 30 bago maupo si Pangulong Bongbong Marcos,” ani Baluyot.

Tiniyak naman ni Malaya na siniseryoso nila ang mga naturang intelligence reports at ginagawa nila ang lahat ng mga pamamaraan upang mahadlangan ang mga naturang planong panggugulo at panghihiya.

Sinabi ni Malaya na nai­sapinal na ng DILG at iba pang security agencies ang lahat ng security preparation para sa inagurasyon at kabilang dito ang mobilisasyon ng 6,200 police officers sa National Museum sa mga susunod na araw.

Aniya, hindi na sila nabigla na may masamang pinaplano ang Communist Terrorist Groups (CTGs) laban sa papasok na administrasyong Marcos dahil matagal na anila itong gawain ng naturang mga grupo.

“That’s part of their playbook. Whoever sits in Malacañang is their ene­my because ultimately, all they want is to overthrow the government through violent means to be followed by a socialist revolution,” pahayag pa ni Malaya.

Dagdag pa ni Malaya, ang mga leftist organi­zers ay nag-o-organisa rin sa Tarlac, Cavite, Pampanga, at Laguna nitong mga nakalipas na linggo upang makahikayat ng mga tao para sa kanilang masamang plano.

Siniguro naman niya na ang PNP ay magdaragdag ng nakaantabay na mobile forces sakaling may mga radical leftist groups na magtangkang manggulo sa inagurasyon.

Una na ring sinabi ni dating Senador Juan Ponce Enrile na may nakalap siyang credible information na mayroong mga grupo sa Amerika at sa Pilipinas na nagpaplanong manghiya at gumawa ng gulo sa inagurasyon ni Marcos Jr.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with