^

Bansa

Duterte nag-sorry sa naging epekto ng e-sabong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte nag-sorry sa naging epekto ng e-sabong
E-sabong involves remote betting on cockfights.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naging epekto ng e-sabong operations.

Inihayag ito ng Pangulo isang buwan matapos niyang utusan na wakasan ang online cockfighting activities, kasunod ng imbestigasyon ng Senado sa pagkawala ng mahigit 30 sabongero.

“’Yung e-sabong, I’m sorry na I didn’t really realize that it would be like [that]. Akala ko kasi, ‘yung ano, the moving factor there was na imbyerna kasi ako. 640 million a month tapos so many billion a year because our, marami nago-operate eh,” ani Duterte sa talumpati sa ginawang inspeksiyon sa National Academy of Sports sa Tarlac noong Martes.

Nauna nang ipinagtanggol ni Duterte ang e-sabong dahil sa kita na naibibigay sa gobyerno. Pero nagbago ang kanyang isip at nanawagan ng agarang pagtigil sa e-sabong matapos magsagawa ng survey si DILG Secretary Eduardo Año noong Abril sa panlipunang epekto ng e-sabong sa mga Pilipino.

Isinagawa ang survey sa 8,400 respondents kung saan 62% ay hindi pabor sa e-sabong.

“I realized very late, and I’m very sorry that it had to happen. Hindi ko akalain na ganun,” ani Duterte.

Sa unang bahagi ng taong ito, nagsagawa ng apat na pagdinig ang mga mambabatas sa mga kaso ng mahigit 30 nawawalang sabongero na nauugnay sa mga aktibidad ng e-sabong.

Hinimok ng mga mambabatas, kabilang si Sen. Bato dela Rosa, na nanguna sa imbestigasyon, ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) sa pamamagitan ng isang resolusyon na suspindihin ang mga lisensya ng lahat ng e-sabong operators habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Bilang tugon, naglabas ang Malacañang ng memorandum noong Marso na nagpapahintulot sa online na sabong na magpatuloy, ngunit inutusan ang PNP at NBI na imbestigahan ang mga pagkawala ng mga sabongero.

vuukle comment

E-SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with