^

Bansa

Pakikipagdebate sa wikang Pilipino, ok sa mga senador

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na hindi ipinagbabawal na makipagdebate sa wikang Pilipino sa plenaryo ng Senado.

Sinabi ito ni Sotto matapos ihayag ni senator-elect Robin Padilla na makikipagdebate siya gamit ang wikang Pilipino.

Subalit ayon kay Sotto, bagama’t opsyon ang paggamit ng wikang Pilipino sa mga nahihirapang mag-English ay hindi naman maaaring pilitin ang iba na mag-interpellate sa sariling wika natin.

Maging ang journal, rules, index and bills ay nakasulat umano sa wikang English gayundin ang konstitusyon.

Para naman kay Senator-elect Francis Escudero, maging siya ay sanay na makipagdebate gamit ang salitang Filipino na nagawa na niya noong siya ay kongresista pa.

Pinapayagan naman umano ito sa ilalim ng rules ng kongreso at walang masama na gawin ito.

Wala ring nakikitang masama si Senator elect-Jinggoy Estrada kung gamitin ang lokal na salita dahil pinapayagan naman ito sa rules ng Senado at ginawa na rin niya ito noong impeachment trial ni CJ Corona para mas maintindihan ng masa.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with