^

Bansa

Mga ‘di bakunado, wala pang booster hanapin!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga �di bakunado, wala pang booster hanapin!
An individual receives a COVID-19 vaccine at SM City Baguio on April 9, 2022.
National Task Force against COVID-19

Dahil sa Omicron BA.4

MANILA, Philippines — Inatasan kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) sa bansa na maging proactive sa paghagilap sa mga indibiduwal sa kani-kanilang nasasakupan na hindi pa bakunado o kaya ay eligible na upang magpaturok ng COVID-19 booster shots.

Ang kautusan ay kasunod na rin nang pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na may natukoy na silang kaso ng Omicron BA.4 subvariant sa Pilipinas, na itinutu­ring na variant of concern (VOC) ng European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC).

Ayon kay Año, ang BA.4 ay banta sa public health at maaari itong makalusot sa immune protection mula sa pagbabakuna at dating impeksiyon.

Sinabi ng kalihim na dapat na i-maximize ng mga LGUs ang kanilang mga resources at galugarin ang kanilang nasasakupan upang mahikayat ang mga indibiduwal na hindi pa bakunado na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Dapat din aniyang mahimok na magpaturok na ng booster shots ang mga eligible population bilang precautionary measure laban sa mas nakahahawang Omicron variant at posibleng community transmission.

“We direct all LGUs to be proactive in its vaccination efforts and seek these people who are eligible for inoculation. The Department of Health’s (DOH) detection of BA.4 signals the need for a more aggressive action to ensure that the people are vaccinated and protected against this highly contagious variant of COVID-19,” ayon pa kay Año.

Una nang sinabi ng DOH kamakalawa na isang Pinoy na nagtungo sa Middle East noong Mayo 4 ang nakumpirmang positibo sa BA.4, base sa pagsusuring isi­nagawa sa kanyang specimen na nakolekta noong Mayo 8. Asymptomatic naman umano ang pasyente.

Binigyang-diin ni Año na sa kabila ng transition of power sa mga bagong halal na opisyal, dapat na handa ang mga LGUs na gamitin ang kanilang mga resources at tukuyin ang mga residenteng eligible na sa pagbabakuna at booster shots.

Anang DILG chief, ang kakayahan ng BA.4 na mas mabilis na makahawa ay maaaring labanan sa pamamagitan nang pagpapahusay ng vaccination turnout partikular na mga indibiduwal na immunocompromised at vulne­rable sa virus

“Kailangan itong tiyagain ng mga pamahalaang lokal. Millions of Filipinos have been vaccinated months ago and that can work against our goal of protecting our people sapagkat itong BA.4 ay nakakalusot sa bakuna lalo na kung matagal nang naturukan,” ani Año.

“Kung kinakailangang katukin ang bawat bahay para malaman kung sino ang dapat bakunahan, iyan po ang gawin natin,” aniya pa.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with