^

Bansa

Ama nang-hostage ng anak, todas sa parak

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MARILAO, Bulacan, Philippines — Patay ang isang ama na nanghostage ng kaniyang 14-taong gulang na anak makaraang mabaril ng rumespondeng pulis na kaniyang sinaksak, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Rosa sa nasabing bayan.

Kinilala ni P/Lt. Col. Bernard Pagaduan ang namatay na si Fredie Luntayo, residente ng nasabing barangay habang itinago sa pangalang Miko ang hinostage na menor-de-edad na anak nito.

Samantala ang pulis na sugatan ay nakilalang si P/Lt. Joel De Leon na nakatalaga sa Marilao MPS.

Ayon kay Pagaduan, humingi ng tulong ang misis ni Luntayo sa kanilang tanggapan dahil binubugbog ng kanyang mister ang kanilang anak.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis ngunit hindi nagpaawat ang ama sa pambubugbog hanggang sa gawing hostage ang anak.

Nang pasukin na ng pulis ang tahanan dakong alas-10:45 ng gabi ay mabilis na sinaksak ng suspek ang isang pulis na nadaplisan lamang ng kutsilyo sa tagiliran. Dito na bumunot ng baril si De Leon at nabaril ang suspek sa kaliwang pisngi. Nawalan ng malay ang suspek at naisugod pa sa ospital ngunit namatay rin.

Dagdag pa ni Pagaduan na madalas bugbugin ng suspek na sangkot umano sa droga ang kanyang mag-ina.

vuukle comment

HOSTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with