^

Bansa

BBM nagpasalamat sa mga guro, poll workers, volunteers

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
BBM nagpasalamat sa mga guro, poll workers, volunteers
Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr, presumptive president-elect, speaks to reporters at the campaign headquarters in Mandaluyong City on May 11, 2022.
AFP/Ron Lopez

MANILA, Philippines — Isang linggo makaraan ang makasaysayang May 9 elections, ipinaabot ni President elect President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kaniyang pasasalamat sa daang libong mga guro, poll workers at mga volunteers na nagsakripisyo sa pagganap ng mahalagang papel para sa mapayapa, tapat at maayos na halalan sa bansa

Sinabi ni Marcos na kapuri-puri ang ipinakitang malasakit, kabayanihan ng mga guro, volunteers at mga polls watchers na itinaya ang kanilang mga sarili matiyak lamang na magiging maayos ang nagdaang eleksyon.

Kasabay nito, pinaboran naman ni Marcos ang kahi­lingan ng Department of Education (DepEd) na bigyan pa ng karagdagang P3,000 ang lahat ng guro at non-teaching personnel na nagsilbing miyembro ng Electoral Board.

Sa sulat na ipinaabot ni DepEd Sec. Leonor Briones, hiniling nito kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na bigyan ng karagdagang P3,000 ang lahat ng mga gurong nagbigay ng serbisyo at sakripisyo ngayong halalan.

Binigyang-diin ni Marcos na maliit na bagay ang hinihingi ni Sec. Briones dahil ang kadakilaang ipinamalas ng mga guro sa nagdaang halalan ay hindi matutumbasan ng anumang halaga.

Samantala umaasa rin si Marcos na maibibigay ang mga compensation, honoraria at iba pang allowances ng lahat ng guro bago dumating ang Mayo 24 na siyang itinatadhana ng Comelec Resolution No. 10727.

Nabatid na umabot sa 756,083 mula sa iba’t ibang institusyon ang nagsilbing poll workers noong halalan. Karamihan sa mga ito o kabuang 647,812 ay mga DepEd personnel.

Nasa  319,000 guro ang umupo bilang miyembro ng electoral board, samantalang 200,000 DepEd personnel ang nagsilbing supervisory official sa halalan katuwang ang Comelec.

Kaugnay nito nagbigay pugay rin si Marcos na sinaluduhan ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga force multipliers na buong giting na nagbantay upang masiguro ang katahimikan ng bayan sa panahon ng halalan.

vuukle comment

BBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with