^

Bansa

Dodoblehin pa namin ang aming trabaho - ACT-CIS

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  “Kung marami kaming natulungan noong 2016 hanggang ngayon, dodoblehin pa namin yun in the coming months”.   

Ito ang pahayag ni ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo matapos manguna na naman ang kanilang partylist sa partial and unofficial count ng mga boto matapos ang matagumpay na pagdaraos ng May 9 polls.

Ayon kay Tulfo, taos-puso silang nagpapasalamat sa lahat ng bumoto sa ACT-CIS.  

“Maraming-mara­ming salamat po sa tiwala. Hihigitan pa namin ang aming mga nagawa nitong mga nagdaang taon sa pagtulong sa mga ­inaapi, kapus-palad at ang ­aming performance sa kongreso,” anang broadcast journalist na si Erwin.

“I guess people see if you keep your promises during the  previous election. Then they translate it into votes in the next election particularly at the national level,” pahayag pa ni Tulfo.

Naniniwala si Erwin na kaya sila muling nanguna sa election sa ikalawang pagkakataon ay dahil dama, nakakarating at nakikita ng taong bayan ang kanilang tulong at performance.

“We adhere to politics of performance rather than politics of words,” pahabol ni Erwin Tulfo.

vuukle comment

ACT-CIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with