Mark Villar, nangunguna pa rin sa RPMD survey
MANILA, Philippines — Ang UniTeam senatorial candidate at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar ay patuloy na nangunguna para sa senador sa pinakabagong resulta ng survey mula sa RP-Mission and Development Foundation (RPMD) para sa darating na halalan sa Mayo 2022. Siya ay nakakuha ng 74.6% na voter preference.
Sa survey ng RPMD mula Abril 28 hanggang Mayo 2, ipinakita na si Villar ay kabilang sa top choice ng 10,000 respondents gamit ang face-to-face interviews sa buong bansa. Mayroon itong (+/-) 1% sampling error margin para sa pambansang porsyento.
Ang 11 kandidato na sumunod sa likod ni dating DPWH Chief Mark Villar (74.6%) ay sina Antique Rep. Loren Legarda (68.1%), broadcaster Raffy Tulfo (64.7%), Sen. Win Gatchalian (60.2%), Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri (53.6%), Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (51.8%).
Nasa 7-12 na puwesto sina dating House Speaker Alan Cayetano (47.3%), Filipino film actor Robin Padilla (45.1%), dating Senador JV Estrada Ejercito (38.6%), dating Senador Jinggoy Estrada (36.5%), dating Bise Presidente na si Jejomar “Jojo” Binay (34.2%) at Senador Gringo Honasan (32.7%).
- Latest