^

Bansa

Loren pinuri ni Pangulong Duterte sa dagdag-sahod ng pulis, sundalo, libreng kolehiyo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa mahalagang ambag ni Deputy Speaker Loren Legarda sa pagtataas ng sahod ng pulis at sundalo, universal healthcare, libreng college education at irigasyon, muling inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang beteranong mambabatas sa darating na halalan sa Lunes.

Ayon sa Pangulo, karapat-dapat niyang suportahan si Legarda dahil sa kanyang mahusay na serbisyo bilang mambabatas at malaking kontribusyon sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino sa loob ng maraming taon.

“Alam niya kung bakit ko siya sinusuportahan. Ang hinahabol ko yung utak kagaya ni Loren Legarda. Sayang kung wala yan [sa Senado],” sambit ni Pangulong Duterte sa rally ng PDP-LABAN sa Rizal Province noong Martes ng gabi.

Bilang Chairperson of the Senate Committee on Finance, sinabi ng Pangulo na tinutukan ni Legarda ang mga budget amendments lalo na yung makakatulong sa kapakanan ng mga Pilipino.

“Sa awa ng Diyos lahat ng hiningi ko, binigay niya... Yung free irrigation [for small farmers] siya nag-sponsor, siya nagpadagdag ng sweldo ng mga pulis at sundalo, yung free college tertiary education, at yung sinabi kong universal healthcare. Yan ang some of the few na achievements niya,” diin ni Duterte.

Nagpasalamat naman si Legarda sa mabubu­ting salita, tiwala at buong suporta ng Pangulo sa kanyang pagbabalik-Senado.

vuukle comment

LOREN LEGARDA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with