^

Bansa

OFW Hospital binuksan na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
OFW Hospital binuksan na
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), magbibigay na ng serbisyong medikal at pangkalusugan sa mga OFWs at kanilang mga dependents ang pagamutan na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ngayong Mayo 2.
STAR/File

MANILA, Philippines — Magbibigay na ng serbisyo ngayong Lunes ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital, isang araw makalipas ang Labor Day.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), magbibigay na ng serbisyong medikal at pangkalusugan sa mga OFWs at kanilang mga dependents ang pagamutan na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ngayong Mayo 2.

Mayroon na ring Malasakit Center ang naturang pagamutan na magbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamil­ya na makapagpagamot ng libre.

Mayroon na rin itong Overseas Workers Welfare Administration Desk sa loob na aasikaso rin sa pangangailangang medikal ng mga OFWs para makatipid sila sa kanilang pagpapagamot.

Nabatid na naitayo ang naturang pagamutan sa pamamagitan ng Executive Order 154 ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang naturang kautusan ay nagtatag din sa Inter-Agency Committee on the OFW Hospital.

vuukle comment

DOLE

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with