^

Bansa

Pantay na pagtingin at suporta sa manggagawa isinulong ni Legarda

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pantay na pagtingin at suporta sa manggagawa isinulong ni Legarda
Loren Legarda.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kasabay ng paggunita sa Araw ng Paggawa kahapon, Mayo 1, sinaluduhan ni Deputy Speaker Loren Legarda ang mga manggagawang Pinoy sa loob at labas ng bansa.

Ayon kay Legarda, sponsor ng International Labour Organization (ILO) Convention 189 at co-author ng Domestic Workers Act, dapat pagtuunan ng pamahalaan ng pantay na pagtingin ang lahat ng manggagawang Pinoy sa loob man o labas ng bansa.

Ani Legarda na pambatong senador ng Nationalist People’s Coalition (NPC), “ang May 1st celebration” ay paalala sa lahat lalo na sa pamahalaan at mga stakehol­ders na dapat natutugunan at napo-proteksiyonan ang pundamental na karapatan ng mga manggagawa.

Idinagdag pa ni Legarda na bilang ‘tagapagtanggol sa paggawa’ o “champion ng labor rights” sa oras na makabalik siyang muli sa Senado ay isusulong niya ang pagpapalakas at pagkakaroon ng ‘consistent legislative agenda’ para sa mga manggagawang Pinoy upang pa­ngalagaan ang kanilang mga karapatan at maipagtanggol sila sa pang-aabuso.

vuukle comment

LOREN LEGARDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with