^

Bansa

Walang indikasyon ng lockdown tapos ng halalan - Duque

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Walang indikasyon ng lockdown tapos ng halalan - Duque
Community watchmen kept an eye on those entering Barangay 02 Zone 1 on Layug Street in Pasay City on Monday, Jan. 10, 2022. The area is under granular lockdown due to high occurrence of COVID-19 cases.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan dahil sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

“Sa ngayon, walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown matapos ang eleksyon,” pahayag ni Duque sa panayam ng Dobol B TV kahapon.

Paliwanag niya, kung kinakailangan, magkakaroon lamang ng granular lockdowns at hindi widespread lockdown.

Sinegundahan naman ito ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing nitong Sabado na nagsabing ang pagtaas ng mga kaso ay hindi naman significant, bagamat dapat ay patuloy pa rin sa mga ginagawang pag-iingat laban sa COVID-19.

Una nang nagbabala ang DOH na maaaring makaranas ng panibagong pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19 sa kalagitnaan ng Mayo, kung saan ang Metro Manila ay posibleng makapagtala ng halos kalahating milyong aktibong kaso kung babalewalain ang minimum public health standards (MPHS).

Sa 50% pagbaba sa compliance ng MPHS sa Metro Manilla ay maa­ring magresulta sa 25,000 hanggang 60,000 bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa kalagitnaan ng Mayo.

Samantala, 20% naman na pagbaba sa MPHS compliance nationwide ay maaring magbunga ng 34,788 active COVID cases, at 30% na pagbaba sa compliance ng MPHS ay lalong magpapataas hanggang sa 300,000 sa nasabing panahon.

vuukle comment

COVID-19

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with