LPA, magpapaulan pero ‘di magiging bagyo
MANILA, Philippines — Walang posibilidad na maging bagyo ang isang Low Pressure area (LPA) na namataan sa Mindanao.
Ayon sa Pagasa, ang LPA ay huling namataan sa layong 375 kilometro silangan ng Surigao City.
Apektado ng LPA ang Intertropical Convergence Zone. Dulot nito, makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Eastern Visayas, Surigao del Norte, Agusan del Norte, northern portion ng Surigao del Sur, at Dinagat Islands sa susunod na 24 oras.
Mahina hanggang sa minsa’y malakas ang ulan sa southern portion ng Quezon province, Romblon, Marinduque, nalalabing bahagi ng Bicol region, Visayas at Mindanao.
Maulan din sa Metro Manila dahil sa epekto localized thunderstorms.
- Latest