^

Bansa

P5 trilyon 2022 national budget pirmado na ni Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P5 trilyon 2022 national budget pirmado na ni Duterte
Ang ceremonial signing na ginawa sa Rizal Hall ng Malacañang ay dinaluhan ng mga lider ng Senado at Kamara sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Lord Alan Velasco at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Act of 2022 o ang 2022 national budget na nagkakahalaga ng P5.024 trillion.

Ang ceremonial signing na ginawa sa Rizal Hall ng Malacañang ay dinaluhan ng mga lider ng Senado at Kamara sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Lord Alan Velasco at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ang 2022 GAA ay 11.5% na mas mataas kumpara sa 2021 national budget.

Ito ang pinaka-malaking budget sa kasaysayan ng Pilipinas, at huling national budget sa ilalim ng Duterte Administration.

Ang mga nakapaloob dito ay may kinalaman sa patuloy na pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic, at inaasahang makakatulong din sa pagbangon ng mga lugar na nasalanta ng Bagyong Odette.

Sinabi naman ni Senate Finance Committee chairman Sen. Sonny Angara na matindi ang pangangailangan ng mga lugar na nasalanta ng bagyo at mahalaga na maibuhos sa maagang panahon ang pera para mas maagang maipatayo ulit ang mga nasirang bahay, ospital, paaralan at iba pang imprastraktura at makabangon ang lahat ng naapektuhan.

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with