^

Bansa

RMP swak sa perjury – Esperon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiwala si National Security  Adviser at National Task Force to End Local Communist  Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman Hermogenes Esperon, Jr. na mapapanagot ang Rural Missionaries of the Phi­lippines dahil umano sa pagsisinungaling o perjury.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa sala ni Metropolitan Trial Court Judge Aimee Marie Alcera  ng Branch 139, sinabi ni Esperon na 2003 pa umano alam ng RMP na paso na ang kanilang lisensiya sa Securities and Exchange Commission (SEC)  subalit patuloy umano sa kanilang mga proyekto at pagtanggap ng mga tulong.

Ani Esperon, pagsisinungaling  ang ginawa ng RMP nang sabihing ‘good standing’ ang kanilang grupo upang makakuha ng simpatiya.

Malaki ang kanyang paggalang mga madre subalit hindi katanggap-tanggap ang ginawa umano nitong pagsisinungaling sa publiko. Kasama ring kinasuhan  ang  KARAPATAN  at Gabriela.

Dagdag pa ni Esperon, bagama’t hindi nakarehistro hanggang 2019, patuloy umano ang paggamit ng RMP ng kanilang pangalan sa pagtanggap ng mga  financial assistance, domestic at  foreign donors.

“Bahala na ang korte sa parusang ipapataw sa kanila,” ani Esperon.

vuukle comment

NTF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with